Gabriela Silang: Isang Pagpupugay sa Kabayanihan ng Isang Babaeng Tinguian
Si Diego Silang ang naghimagsik sa Ilocos nuong Disyembre 1762. Napalayas niya ang mga Español mula Vigan, Ilocos Sur, at tinalo niya ang mga sandatahang Español na paulit-ulit nagtangkang lupigin siya. Nagtayo siya ng malayaang pamahalaan, ang pang-2 pamahalaan ng katutubo sa Pilipinas [nakatayo pa nuon ang malayang pamahalaan ni Dagohoy sa Bohol]. Nakipag-ugnay at kinilala ang pamahalaan niya ng sandatahang Britain, na nuon ay sumasakop sa Manila, dahil sa digmaan ng España at Britain sa Europa [seven-year war, 1756-1763]. Napatay siya nuong Mayo 1763 ng isang mamatay-taong inarkila ng mga Español. Ipinagpatuloy ng kanyang viuda, si Maria Josefa Gabriela Silang, at ng tio, si Nicolas Carino, ang paghihimagsik ngunit nagapi sa sagupaan sa Kabugao. Tumakbo sila sa Abra at nagbuo ng sandatahang lumusob sa Vigan uli ngunit natalo; binitay si Gabriela nuong Septiyembre 30, 1763.
(Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan, ipinagmamalaki kong ang isa sa pinakamatapang na babae sa kasaysayan ng Pilipinas ay nagmula sa angkan naming mga Tinguian.)
Below are some artists' portrayals of Gabriela Silang, the early Tiguian way of life, and some vestiges of the Tinguian culture that still exist in Abra, several interior municipalities of Ilocos Norte, Sur, La Union, and the Cordilerras! Please click the each picture for clearer view. Thanks...
No comments:
Post a Comment